Ang all-in-one cash in / cash out tracker mo Mas madaling Logbook
Iwas Doble Cash Out

Hindi na kailangang mano-manong maglista sa logbook o mag-check ng mga resibo ng GCash, Maya at bangko. Sa Daloy App, mas madaling itala, subaybayan, at balikan ang bawat cash in at cash out, para mas panatag ka sa bawat abot ng pera.

Gumagana kahit offline Lahat ng transaksyon, sa device mo ang data. Mas madaling mag-check ng resibo

Silipin ang isang araw sa Daloy

I-tap ang ☀ sa Home para sa dark mode

Lahat ng wallet mo, sa iisang app!

E-wallets Digital Banks Remittance

Pano gumagana si Daloy

Kilalanin ang Daloy, ang all-in-one mong talaan ng cash in / cash out na transaksyon para sa negosyo mo

Basahin ang buod ng video
  1. May negosyo ka ba?
  2. May cash in at cash out transactions ka?
  3. Pagod ka na ba sa manual logbook?
  4. Meet Daloy: mas madali, organisadong logbook, iwas doble cash out.
  5. Easy Recording: pwedeng i-share, picture-an or i-upload ang resibo at automatic na nitong babasahin ang detalye.
  6. Na-claim na ang pera? Wag mag-alala, si Daloy ang bahala!
  7. Your all in one cash-in / cash-out tracker. Tignan ang laman ng wallet, transactions at ang iyong kita!
  8. Gumagana kahit offline. Safe lahat ng records mo. Subukan ang Daloy.
Panoorin ang 7 how-to video →

Bantay sa dobleng cash out

Na-claim na ang pera?
Wag mag-alala, si Daloy ang bahala

Ipinakita ulit ang lumang resibo? Kapag tumugma ang reference number sa naitalang transaksyon sa parehong provider, babala ito ng posibleng dobleng cash out. Ipapakita ng Daloy ang dating tala at pipigilan ang pag-save ng duplicate. Suriin muna bago mag-abot ng pera.

Babala ng Daloy sa doble cash out: nagamit na ang reference number, kasama ang dating tala ng cash out at ang mga button na palitan ang reference o kanselahin.
Babala ng Daloy sa nagamit nang reference
Pagsusuri ng Daloy sa kahawig na transaksyon: may tala na pareho ang halaga at provider anim na minuto bago nito, magkatabi ang dalawang reference number, at may button na i-save o kanselahin.
Babala sa kahawig na transaksyon
Resibo ng GCash na shine-share sa Daloy mula sa Android share menu.
01 I-share sa Daloy
Ang na-scan na cash-in form ng Daloy, handa nang i-check.
02 I-check ang form

Easy Recording · Share → Daloy

Na-send na? I-share sa Daloy.

Pagkatapos magpadala sa GCash o ibang app, i-share ang larawan ng resibo sa Daloy. Kusang babasahin ang image at pupunan ang form—i-check mo na lang bago i-save.

  1. 1 I-share ang image o screenshot ng resibo.
  2. 2 Piliin ang Daloy sa share menu.
  3. 3 I-check ang halaga, reference at serbisyo. Saka i-save.

Mga suportadong account

GCash Maya MariBank GoTyme CIMB Tonik UnionDigital ShopeePay Palawan Pay BDO BPI EastWest Landbank Metrobank PNB RCBC Security Bank UnionBank
May receipt reader para sa mga provider na ito. Depende sa linaw at layout ng image ang mababasa. Talaan ang Daloy; hindi ito kumokonekta sa mga account na ito.

Goodbye Manual Logbook, Hello Daloy!

Mas madaling magtala, mas madaling mag-check! Lahat ng cash-in, cash-out, at kita mo, organisado sa iisang app.

₱2,000 + ₱40 Halaga at bayad. Hindi dapat magkahalo.
  1. 01

    I-set Up ang Iyong mga Wallet

    Ilagay ang iyong GCash, Maya, at mga bank account. Lahat ng balanse mo, madaling makita sa isang lugar.

  2. 02

    Ikaw ang Bahala sa Service Fee

    I-set ang sarili mong singil sa bawat transaksyon. Mas madaling mag-compute, mas madaling mag-track ng kita.

  3. 03

    Scan. Check. Save. Ganun Kadali!

    I-scan lang ang resibo at awtomatikong mapupunan ang mga detalye. I-check ang transaksyon bago i-save para iwas doble at maling tala.

  4. 04

    Kita Mo, Klaro sa Dulo ng Araw!

    Madaling makita ang kabuuang service fees, galaw ng pera, at mga transaksyon ng suki. Hindi na kailangang maghalungkat ng kuwaderno.

Kasama sa araw-araw na bilang.

Mga wallet, sariling rate cards, at mga tala—magkakasama para hindi ka pabalik-balik sa kuwaderno.

Para sa sari-sari store at maliit na negosyong may cash in at cash out.

May cash-in at cash-out transactions sa negosyo mo? Mula sari-sari store hanggang e-wallet, bank at remittance counter, tulong ang Daloy sa pag-aayos ng mga tala, singil, balanse at suki.

Talaan ang Daloy. Ang paglipat ng pera ay sa GCash, Maya, o bank app mo pa rin.

Presyo

Simulan nang libre. I-unlock kapag handa ka na.

Subukan ang buong Daloy nang 30 araw. Walang subscription, walang buwanan, walang ads.

Para magsimula

Libre 30 araw

  • Bukas ang lahat ng feature
  • Walang card o account na kailangan
  • Gumagana kahit offline
  • Nagsisimula ang bilang pagkatapos ng setup, hindi sa pag-install

Kapag gusto mong ituloy

₱99 isang bayad lang · lifetime na

  • Hindi ka na sisingilin ulit
  • Sa Google Play ang bayad: GCash, Maya, card at iba pa
  • Hindi mawawala ang records mo kahit hindi ka pa magbayad

Mga Madalas Itanong

Narito ang mga sagot sa karaniwang tanong tungkol sa Daloy.

Para ba ito sa GCash cash in / cash out ng sari-sari store?

Oo. Para ito sa sari-sari store at iba pang counter na nagka-cash in at cash out gamit ang GCash, Maya, iba pang e-wallet, bangko o remittance. Dito mo itatala ang bawat transaksyon, singil at balanse; sa GCash, Maya o bank app mo pa rin ginagawa ang mismong paglipat ng pera.

Paano nalalaman ang doble cash out?

Bago i-save, tinitingnan ng Daloy kung may naitala nang transaksyon na may parehong reference number sa parehong provider, sa lahat ng wallet mo ng provider na iyon. Kapag mayroon, hindi ito mase-save at ipapakita ang dating tala. Hindi kasama ang mga na-void na tala. Sa mga record sa phone mo lang ito tumitingin; hindi nito kino-confirm ang mismong paglipat o pag-abot ng pera.

Kailangan ba ng internet?

Hindi para magtala, mag-scan ng resibo, at tumingin ng ulat sa Daloy. Kung i-unlock mo ang lifetime pagkatapos ng 30 araw, kailangan ng internet sa mismong pagbili sa Google Play; pagkatapos niyan, offline pa rin. Ang mismong pagpapadala ng pera sa e-wallet o bank app ay hiwalay at maaaring mangailangan ng internet.

Daloy ba ang nagpapadala ng pera?

Hindi. Talaan ito ng cash in, cash out, bayad, at balanse. Gamitin pa rin ang e-wallet o bank app para sa mismong transaksyon.

Sigurado ba lahat ng nababasa sa resibo?

Hindi palagi. May mga layout o malabong litrato na kailangang i-check. I-review ang halaga, reference, wallet, at serbisyo bago mag-save. Maaari ring mag-type na lang.

Saan napupunta ang data ko?

Sa phone mo nakatago ang records at doon din binabasa ang resibo. Walang cloud sync. Ang PIN at opsyonal na biometric lock ang pangbukas ng app.

Libre ba ang Daloy?

Libre ang lahat ng feature sa unang 30 araw, simula pagkatapos mong i-set up ang app. Walang card o account na kailangan. Kung gusto mong ituloy ang pagtatala pagkatapos, ₱99 isang beses lang: lifetime na, walang buwanan.

Ano ang mangyayari pagkatapos ng 30 araw kung hindi pa ako nagbabayad?

Hindi mawawala ang mga record mo. Makikita mo pa rin ang mga balanse, transaksyon, ulat at suki, at gagana pa rin ang search at ang pag-void. Ang pagtatala lang ng bagong transaksyon ang kailangan ng ₱99. Puwede kang magbayad kahit kailan.

Subscription ba ito?

Hindi. Isang bayad lang ang ₱99. Walang buwanan o taunang singil, at hindi ka na sisingilin ulit sa parehong Google account.

Paano magbayad?

Sa Google Play, sa sarili nitong payment screen sa loob ng app. Sa Pilipinas, kasama sa listahan ng Google Play ang GCash, Maya, card, load (Smart, Sun, DITO) at cash sa 7-Eleven o ECPay. Kung cash ang pinili mo, bubukas ang pagtatala kapag naproseso na ang bayad. Buksan ang Daloy na may internet sa loob ng 3 araw pagkatapos magbayad.

Paano kung magpalit ako ng phone o mag-reinstall?

Nakakabit ang bili sa Google account (Gmail) na naka-sign in sa Play Store mo, hindi sa phone. Sa bagong phone, mag-sign in sa parehong Google account at i-tap ang “I-restore ang nabili” sa Daloy. Hindi ka na magbabayad ulit. Ang bili lang ang naibabalik nito; nasa lumang phone pa rin ang mga record.

Puwede bang i-refund?

Sa Google Play hinihingi ang refund. Maaaring aprubahan ng Google ang refund na hiniling sa loob ng 48 oras matapos bumili; pagkatapos niyan, mag-email sa amin sa daloy.app.ph@gmail.com. Kapag na-refund, babalik sa “tingnan lang” ang Daloy: makikita pa rin ang mga record pero hindi na makakapagtala ng bago.

Paano kung walang Google Play ang phone ko?

Sa Google Play ilalabas at mabibili ang Daloy, kaya kailangan ng Android phone na may Google Play. Wala pa itong bersyon para sa mga phone na walang Google Play, gaya ng ilang Huawei.

May ads ba?

Wala. Walang ads habang libre at pagkatapos magbayad.

Saan puwedeng i-download?

Nasa early access na ang Daloy sa Google Play, para sa Android. Kunin ang early access sa daloy-ph.web.app/early-access para ma-install na ito ngayon. Pag-public launch, libre ang unang 30 araw. Malapit na rin sa App Store.

Mas Maayos ang Daloy ng Iyong Negosyo.

Mas madaling magtala ng cash-in, cash-out, at kita. Panatilihing organisado ang iyong mga transaksyon, araw-araw.

Libre ang pagsali · Android · Gamit ang Gmail mo

Kunin ang early access

Ihahanda pa ang download.

Malapit na ang Daloy sa Google Play. Android ang app; malapit na rin sa App Store. Subukan muna ang interactive demo.