Cash out tracker para sa GCash, Maya at bangko Lumang resibo? Haharangin bago mag-abot ng pera.

Ang cash out tracker ay talaan ng bawat cash out na inaabot mo: halaga, reference number, provider, singil at oras. Sa Daloy, i-scan lang ang resibo ng customer. Bago i-save, sinusuri nito kung nagamit na ang reference sa parehong provider, para hindi ka makapag-abot ng pera nang dalawang beses.

Babala sa nagamit nang reference Gumagana kahit offline I-scan ang resibo ng customer
Daloy cash out tracker: babala na nagamit na ang reference number, kasama ang naunang tala ng cash out

Paano mag-log ng cash out sa Daloy

  1. Camera ng Daloy na nagbabasa ng resibo habang naka-airplane mode
    01

    I-scan ang resibo ng customer

    Kunan ang resibo, o piliin sa gallery kung pinadala sa Messenger. Kahit naka-airplane mode.

  2. Rate card ng Daloy: singil ayon sa halaga, may preview ng service fee
    02

    Suriin: halaga, singil, reference

    Napupunan ang form mula sa resibo; ang singil, mula sa rate card mo. Itala rin kung saan galing ang pera, gaya ng Maya papunta sa GCash mo.

  3. Home ng Daloy pagkatapos i-save: ang cash out ngayong araw, at ang cash sa lata at balanse ng bawat wallet
    03

    Malinis? I-save at iabot ang cash

    Kapag nagamit na ang reference sa parehong provider, haharangin ito bago i-save, habang nandiyan pa ang customer. Kung malinis, i-save: lalabas sa Home ang cash out at ang natitirang cash sa lata.

Panoorin: Cash out gamit ang resibo Panoorin: Iwas doble cash out

Ganito binibilang ang isang cash out

₱2,000 na cash out, ₱40 ang singil. Nag-send ang customer ng ₱2,040; ₱2,000 ang inabot mong cash.

GCash +₱2,040
Cash drawer −₱2,000
Kita ₱40
Ipinapakita ito ng form bago i-save. Sa Home, kita mo kung may sapat na cash sa lata bago mag-abot.

Para sa GCash outlet, sari-sari store at bank counter

Cash out logbook, talaan ng cash out, o GCash cash out tracker—iisa ang trabaho: itala ang bawat perang inabot mo, ang reference number ng resibo at ang singil, para hindi ka maloko ng lumang resibo. Para ito sa sari-sari store, GCash at Maya outlet o agent, at bank counter na nagka-cash out.

Cash out tracker na ginawa para sa counter

Isang reference, lahat ng wallet

Dalawang GCash SIM? Iisa ang reference check ng parehong provider, kaya hindi lulusot ang resibo kahit sa ibang wallet mo i-log.

Kahawig na halaga? Titingnan muna

May tala na pareho ang halaga at provider, ilang minuto lang ang pagitan? Ipapakita ito ng Daloy bago i-save.

Oras sa resibo at oras ng claim

Magkahiwalay ang oras sa resibo at ang oras na na-claim ng customer, para malinaw kung kailan talaga inabot ang cash.

Mali ang tala? I-void, hindi buburahin

Nananatili sa listahan ang na-void, may dahilan at guhit. Puwede nang gamitin ulit ang reference nito sa tamang tala.

Daloy, kuwaderno o spreadsheet?

Feature Kuwaderno Spreadsheet Daloy
Gumagana offline Oo Depende sa app Oo, pati ang receipt scan
Babala sa nagamit nang reference Wala; hahanapin mo sa mga pahina Kung gagawa ka ng formula Oo, bago i-save, sa lahat ng wallet ng provider
Receipt scan Wala Wala Oo, binabasa sa phone mismo
Singil Kinukuwenta mo Kung may formula Kusang mula sa rate card mo
Balanse ng bawat wallet Kinukuwenta mo Kung may formula Nasa Home, pati ang cash drawer
Saan nakatago ang data Sa papel Sa file o sa cloud ng app Sa phone mo; ikaw ang may hawak ng backup

Hindi kaakibat ng GCash, Maya o anumang bangko ang Daloy. Ginagamit lang ang mga pangalan nila para ilarawan ang mga wallet na puwede mong itala.

Mga Madalas Itanong

Iba pang tanong tungkol sa Daloy →

Paano malalaman kung nagamit na ang resibo sa cash out?

I-scan o i-type ang reference. Kapag nai-log na ito sa parehong provider, hindi ito mase-save at ipapakita ng Daloy ang naunang tala—kailan, magkano at kanino—para ma-check mo bago mag-abot ng pera.

Anong resibo ang nababasa?

GCash, Maya, ShopeePay, Palawan Pay, at mga bangko gaya ng BDO, BPI, Landbank, Metrobank, UnionBank, RCBC, PNB, Security Bank, EastWest, CIMB, GoTyme, Tonik, MariBank at UnionDigital. Kung hindi mabasa ang resibo, i-type na lang.

Paano kung sa ibang GCash wallet ko na-log ang una?

Haharangin pa rin. Iisa ang reference ng GCash sa lahat ng GCash wallet mo, kaya sa provider tumitingin ang Daloy, hindi sa wallet.

Nagkamali ako ng tala. Magagamit ko pa ba ang reference?

Oo. I-void ang maling tala at ilagay ang dahilan. Mananatili ito sa listahan, pero hindi na ito kasama sa pagsusuri ng doble, kaya puwede mo nang i-log ulit nang tama.

Saan napupunta ang singil sa cash out?

Sa wallet, dahil kasama ito sa e-money na pinadala ng customer. Halimbawa: ₱2,000 na cash out na may ₱40 na singil—dagdag ₱2,040 sa GCash, bawas ₱2,000 sa lata.

Cash in naman? Tingnan kung paano itinatala ng cash in tracker ng Daloy ang bawat padala. Panoorin kung paano Pitong maikling how-to video, isang gawain bawat isa.

Mas Maayos ang Daloy ng Iyong Negosyo.

Mas madaling magtala ng cash-in, cash-out, at kita. Panatilihing organisado ang iyong mga transaksyon, araw-araw.

Libre ang pagsali · Android · Gamit ang Gmail mo

Kunin ang early access

Ihahanda pa ang download.

Malapit na ang Daloy sa Google Play. Android ang app; malapit na rin sa App Store. Subukan muna ang interactive demo.