Pribado. Nasa phone mo.
Privacy Policy
Malinaw na tala, malinaw na paghawak sa data.
Nasa phone ang mga tala mo.
Ang mga wallet, balanse, transaksyon, rate cards at customer details na inilalagay mo ay lokal na iniimbak ng Daloy. Walang cloud sync o online account sa kasalukuyang app.
Sa phone binabasa ang resibo.
Kapag kumuha, pumili o nag-share ka ng receipt image sa Daloy, binabasa ng on-device OCR ang mga field para tulungan kang punan ang form. Ang resibo ay maaaring makalakip sa transaksyon. Hindi kailangan ng cloud OCR para sa pagbabasang ito.
Ikaw ang nagbibigay ng pahintulot.
Ginagamit ang camera para kunan ng resibo, at ang photo picker para sa larawang pinili mo. Opsyonal ang biometric unlock sa supported na phone. Maaari mong pamahalaan ang mga pahintulot sa settings ng phone.
May PIN at opsyonal na biometric lock.
Nililimitahan ng app lock ang pag-access sa Daloy. Panatilihing ligtas ang phone at PIN mo. Ang biometric authentication ay ginagamit sa pamamagitan ng operating system ng phone.
Ikaw ang namamahala sa lokal na data.
May Reset app sa settings upang burahin ang lokal na data ng Daloy. Destruktibo ito at may confirmation sa app. Maaaring mawala rin ang lokal na data kapag inalis ang app o nawala ang phone; walang cloud copy sa Daloy na maibabalik.
Google Analytics sa website, hindi sa app.
Gumagamit ang website na ito (daloy-ph.web.app) ng Google Analytics para sa anonymous na bilang ng bisita, gaya ng mga pahinang binuksan, uri ng device at bansa. Naglo-load lang ito kapag nag-scroll, nag-tap o nag-type ka sa pahina, at nagtatakda ito ng cookies na pinoproseso ng Google. Hindi namin hinihingi ang pangalan, email o numero mo rito, maliban kung kusa kang sumali sa early access (tingnan ang susunod na bahagi). Maaari mo itong harangan sa settings ng browser mo o gamit ang Google Analytics opt-out add-on. Hindi nito binabago ang nasa itaas: ang mga tala sa Daloy app ay nasa phone mo pa rin.
Kung sasali ka sa early access.
Opsyonal ang pagsali. Kapag sumali ka sa tester group ng Daloy sa Google Groups mula sa early access page, makikita namin ang pangalan at email ng Google account mo. Ginagamit lang namin ito para isama ka sa early access (closed testing) ng Daloy sa Google Play, para ipadala ang early access link, mga balita tungkol sa early access at launch at ang regalo, at para sagutin ang feedback mo. Hindi namin ito ibinebenta o ibinabahagi. Google ang nagpapatakbo ng Google Groups at Google Play, kaya pinoproseso rin nila ito ayon sa privacy policy ng Google. Puwede kang umalis sa group kahit kailan; aalisin ka rin nito sa early access. Buburahin namin ang listahan 6 na buwan pagkatapos ng public launch. Para makita, itama o ipabura ang data mo, ayon sa Data Privacy Act of 2012, mag-email sa amin.
Sa Google Play ang bayad.
Kung pipiliin mong i-unlock ang Daloy pagkatapos ng 30 araw na libre, ang ₱99 ay binabayaran sa Google Play, gamit ang paraang pipiliin mo roon. Google ang nagpoproseso ng bayad, kaya hindi nakikita ng Daloy ang card, GCash o iba pang payment details mo, pati ang email mo. Sa phone mo itinatago ang patunay ng bili, at hindi ito ipinapadala ng Daloy kahit saan. Kapag may internet, ang Play Store app sa phone mo ang tumitingin kung nabili mo na ang Daloy. Walang ads sa app.
Mga tanong tungkol sa privacy.
Para sa mga tanong tungkol sa privacy o sa bayad, mag-email sa amin.