Alam kung kaya pa ng wallet
Balanse ng bawat wallet sa Home, batay sa mga itinala mo. Bago mag-send ng ₱5,000, kita mo kung sapat pa ang laman ng GCash o Maya mo.
Ang cash in tracker ay talaan ng bawat perang tinanggap mo para i-send sa e-wallet o bangko ng customer: halaga, reference, wallet, singil at suki. Sa Daloy, i-share lang ang resibo pagkatapos mag-send. Kusang mapupunan ang form at makikita mo ang balanse ng bawat wallet.
Pagka-send mo sa GCash o Maya, i-tap ang Share at piliin ang Daloy. Puwede ring kunan ang resibo o pumili sa gallery. Sa phone mismo binabasa, kahit walang internet.
Halaga at reference mula sa resibo; singil mula sa rate card mo. Amber ang dapat tingnan. Kita mo rin bago i-save: bawas sa GCash, dagdag sa lata.
Lalabas agad sa Home ang bagong balanse ng wallet at cash drawer. Sa Ulat, kita ang kita mo kada araw at kada wallet, para alam mo kung kaya pa ng e-money mo ang susunod.
Panoorin: Mag-log ng cash in nang mano-mano Panoorin: Singil mo, rules mo
₱2,000 na cash in, ₱30 ang singil. Cash ang inabot ng customer, kaya sa lata pumapasok ang singil.
Cash in logbook, talaan ng cash in, o GCash cash in tracker—iisa ang trabaho: itala kung magkano ang ipinadala mo sa GCash, Maya o bangko ng customer, magkano ang singil, at kung kaya pa ng e-money mo ang susunod. Para ito sa sari-sari store, GCash at Maya outlet o agent, at bank o padala counter na tumatanggap ng pa-cash in.
Balanse ng bawat wallet sa Home, batay sa mga itinala mo. Bago mag-send ng ₱5,000, kita mo kung sapat pa ang laman ng GCash o Maya mo.
Gumawa ng rate card para sa bawat wallet at serbisyo, ayon sa halaga. Kusang lalabas ang tamang singil. Kung walang tugma, blangko ito at ikaw ang maglalagay.
Ang numerong pinadalhan sa resibo ang pumipili sa suki. I-type ang pangalan minsan; siya na sa susunod, kahit ibang wallet ang gamit.
Sa Ulat, kita kung magkano ang pumasok sa lata at ang kita mo sa cash in, araw-araw, lingguhan o buwanan.
| Feature | Kuwaderno | Spreadsheet | Daloy |
|---|---|---|---|
| Gumagana offline | Oo | Depende sa app | Oo, pati ang receipt scan |
| Babala sa nagamit nang reference | Wala; hahanapin mo sa mga pahina | Kung gagawa ka ng formula | Oo, bago i-save, sa lahat ng wallet ng provider |
| Receipt scan | Wala | Wala | Oo, binabasa sa phone mismo |
| Singil | Kinukuwenta mo | Kung may formula | Kusang mula sa rate card mo |
| Balanse ng bawat wallet | Kinukuwenta mo | Kung may formula | Nasa Home, pati ang cash drawer |
| Saan nakatago ang data | Sa papel | Sa file o sa cloud ng app | Sa phone mo; ikaw ang may hawak ng backup |
Hindi kaakibat ng GCash, Maya o anumang bangko ang Daloy. Ginagamit lang ang mga pangalan nila para ilarawan ang mga wallet na puwede mong itala.
Pagka-send mo sa customer, i-share ang resibo sa Daloy o i-scan ito. Suriin ang halaga, reference at singil, tapos i-save. Pareho ang hakbang sa GCash, Maya at mga bangko.
Oo. Mula sa GCash o sa gallery, i-share ang resibo o screenshot sa Daloy. Bubukas ang form at babasahin ito, kaya walang hahanaping screenshot habang naghihintay ang customer.
I-type na lang: wallet, halaga, at reference kung mayroon. Kusa pa ring lalabas ang singil mula sa rate card. Ilang tap lang.
Mula sa rate card na ikaw ang gumawa, ayon sa halaga, wallet at serbisyo. Dahil cash ang abot ng customer, sa lata pumapasok ang singil: sa ₱2,000 na cash in na may ₱30 na singil, bawas ₱2,000 sa GCash at dagdag ₱2,030 sa lata.
Hindi. Hindi ito nagla-login sa GCash, Maya o bangko. Balanse ng logbook mo ang nasa Daloy, batay sa itinala mo; puwede mo itong itama gamit ang adjustment.
Mas madaling magtala ng cash-in, cash-out, at kita. Panatilihing organisado ang iyong mga transaksyon, araw-araw.
Libre ang pagsali · Android · Gamit ang Gmail mo